Ito ang Teresa St. sa Sta. Mesa. Nagmukhang piyesta, pero ang nakasabit na banderitas puro may mukha ng pulitiko. Akala ko ang karatula sa nagmistulang arko sa dulo ng kalye'y pangalan ng lugar, iyon pala'y banner ni Sandy Ocampo, kung sino man siya.
Napakarami talaga ng nakasabit. Hapon na nga lang nang kunan ko ito at medyo naghihingalo na ang battery ko, kaya eto, madilim ang litrato. Hindi ko na lang sasabihing lalong pinadilim ng mga nakasabit na tinatakpan ang langit.
O, di ba, ang ganda ng banderitas. Este, "guwapo" pala. Kung sino man siya.
Pati sa papuntang Albina St., sa gilid ng simbahan, aba'y Abante, para sa Bayan!
Pati poste sa basketball court ng Teresa ay hindi pinalampas ng mga may dalang pandikit. Sana lang may dala rin silang pantanggal pagkatapos ng halalan.
Hindi ko alam kung ito ang official posting area ng Comelec sa Teresa, ang alam ko lang, nakukyutan ako sa posters ni Mayor Lim at sadyang kakaiba.
O di ba, kakaiba? Parang front page ng dyaryo? Ang batas ay para sa lahat daw, o. Nga naman.
Poster ni dating Mayor Atienza, ewan ko kung sinong nagdikit sa pader dito sa eskinita. Ang mas gusto kong malaman ay ang kung sino'ng nagdrowing ng bungi sa ngipin niya, at tila ata siya'y ngumuya pa ng nganga.
Dito naman sa kabilang pader, may katabi si dating Mayor. LOL.
Hindi ko alam kung anong street to... Castaneda, Ocampo, o.. Boy sino? Napakarami naman kasing karatulang may pangalan. Linawin nyo naman.
Ito ang pinakamatindi. Huhulaan ko, supporter nina Atienza at Joey Uy to at ginawa na yatang wallpaper sa labas ng bahay nila ang mga poster nitong mga kandidato.
Photos by Laya. Licensed under Creative Commons BY-NC-SA-3.0-Philippines.
This entry was posted
at Monday, April 26, 2010
and is filed under
Philippine politics
. You can follow any responses to this entry through the
comments feed
.